Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bilga

Bilga

[Lumiliwanag].

1. Ulo ng ika-15 sa 24 na pangkat ng makasaserdoteng paglilingkod nang muling organisahin ni David ang paglilingkod sa santuwaryo.​—1Cr 24:1, 3, 14.

2. Isang saserdote na bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. (Ne 12:1, 5, 7) Sa sumunod na salinlahi, ang ulo ng kaniyang sambahayan sa panig ng ama ay si Samua.​—Ne 12:12, 18, 26.