Boanerges
[Mga Anak ng Kulog].
Isang Semitikong pananalita na masusumpungan lamang, pati na ang salin nito, sa Marcos 3:17. Ibinigay ito ni Jesus bilang huling pangalan ng mga anak ni Zebedeo, sina Santiago at Juan, anupat malamang na inilalarawan nito ang maalab na sigasig ng dalawang apostol na iyon. (Luc 9:54) Di-gaya ng Pedro na naging bagong pangalan ni Simon, lumilitaw na hindi karaniwang ginamit ang Boanerges.