Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bokim

Bokim

[Mga Tumatangis].

Isang lugar kung saan nagsalita ang anghel ni Jehova sa mga Israelita. Sinaway nito ang mga Israelita dahil sa pagwawalang-bahala sa babala ni Jehova laban sa pagkakaroon ng kaugnayan sa mga paganong naninirahan sa lupain. Dahil sa pagtangis ng bayan pagkatapos nito, tinawag na Bokim ang lugar na ito. (Huk 2:1-5) Hindi alam kung saan ang lokasyon ng lugar na ito. Gayunman, batay sa pananalitang “umahon mula sa Gilgal patungo sa Bokim,” waring ito’y nasa K ng Gilgal, anupat ang Gilgal ay maliwanag na nasa ibabang libis ng Jordan.