Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Buni

Buni

Isang nakahahawang sakit sa balat na kakikitaan ng hugis-singsing na mga patse. Ang salitang ito ay lumilitaw sa Bagong Sanlibutang Salin sa Levitico 21:20 at 22:22, anupat salin ito ng salitang Hebreo na yal·leʹpheth. Ang fungi ang sanhi ng buni at maaari itong masumpungan sa mga hayop at tao. Sa mga tao, maaaring lumitaw ang buni hindi lamang sa mabuhok na mga bahagi ng katawan, lalo na sa anit ng mga bata at sa balbas ng mga adulto, kundi pati rin sa mga bahagi ng katawan na walang buhok. Ang huling nabanggit na uri ay pabilog kung tumubo, malarosas ang kulay at kadalasan ay may nakapalibot na pagkaliliit na butlig sa gilid nito. Habang lumalaki ang patse, kumikinis ang gitnang bahagi nito, anupat lumilitaw ang karaniwang hugis-singsing na hitsura nito.

Bagaman ang yal·leʹpheth ay isinasalin sa pamamagitan ng iba pang mga termino para sa sakit sa balat, iniuugnay ito ng tradisyong Judio sa Egyptian herpeslichen. Ginamit ng mga tagapagsalin ng Griegong Septuagint para sa yal·leʹpheth ang lei·khenʹ, na maaaring tumukoy sa buni. Kaya naman iminumungkahi ng mga iskolar sa Hebreo na sina L. Koehler at W. Baumgartner ang salin na “buni, herpes.”​—Lexicon in Veteris Testamenti Libros, Leiden, 1958, p. 383.

Ang isang lalaking mula sa makasaserdoteng angkan ngunit may buni ay hindi kuwalipikadong maghandog ng mga handog kay Jehova. (Lev 21:20, 21) At ang mga hayop na mayroon nito ay hindi dapat ihandog bilang hain sa Diyos.​—Lev 22:22.