Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bunni

Bunni

[pinaikling anyo ng Benaias, nangangahulugang “Si Jehova ay Nagtayo”].

1. Isang Levita na ang inapo ay napili sa pamamagitan ng palabunutan na manirahan sa Jerusalem pagkatapos ng muling pagtatayo ng pader noong panahon ni Nehemias.​—Ne 11:1, 15.

2. Isang nangungunang Levita noong mga araw nina Ezra at Nehemias na kabilang sa mga nasa plataporma na ‘humihiyaw sa isang malakas na tinig’ bilang pagsisisi sa harap ni Jehova.​—Ne 9:4.

3. Isa sa “mga ulo ng bayan” na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay sumang-ayon sa tipan ng katapatan na itinaguyod ni Nehemias.​—Ne 10:1, 14, 15.