Buz
1. Anak ng kapatid ni Abraham na si Nahor sa asawa nitong si Milca; tiyo ni Rebeka. (Gen 22:20-23) Ang kaniyang mga inapo ay ipinapalagay na mga Buzita, at gayon inilarawan ang ama ni Elihu.—Job 32:2, 6; tingnan ang Blg. 3.
2. Isang ulo ng pamilya at inapo ng anak ni Jacob na si Gad.—1Cr 5:11, 14.
3. Isang lugar sa Arabia na laban doon ay humula si Jeremias ng kapahamakan. (Jer 25:17, 23) Ipinapalagay na tinahanan ito ng mga inapo ng Blg. 1.