Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Carmi

Carmi

[posible, Tagapag-alaga ng Ubasan].

1. Anak ni Ruben at kapatid nina Hanok, Palu, at Hezron; ninuno ng mga Carmita. Si Carmi ay pumaroon sa Ehipto kasama ng iba pa sa sambahayan ni Jacob.​—Gen 46:9; Exo 6:14; Bil 26:6; 1Cr 5:3.

2. Ama ni Acan; inapo nina Juda at Tamar sa pamamagitan ni Zera at ni Zabdi. (Jos 7:1, 18) Sa 1 Cronica 4:1, si Carmi ay nakatala bilang isa sa “mga anak ni Juda,” ngunit maliwanag na kasali sa katawagang ito ang naging mga inapo nang dakong huli.​—Ihambing ang 1Cr 2:4-7.