Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Cloe

Cloe

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “luntian”; malamang, Unang Luntiang Supang ng mga Halaman].

Sa pamamagitan ng sambahayan ng babaing ito, tumanggap si Pablo ng mga ulat may kinalaman sa mga di-pagkakasundong umiiral sa kongregasyon sa Corinto. (1Co 1:11) Hindi sinasabi ng liham ni Pablo na si Cloe ay isang Kristiyanong naninirahan sa Corinto o sa Efeso, kung saan isinulat ang liham. Ngunit, dahil tinukoy ng apostol ang sambahayang ito, maliwanag na ang ilang miyembro nito, mga kapamilya man o mga alipin, ay mga Kristiyanong kakilala ng mga taga-Corinto.