Clopas
Ang asawa ng isa sa mga Maria na nakatayo sa tabi ni Jesus noong nakabitin ito sa pahirapang tulos. (Ju 19:25) Ipinapalagay na siya ang asawa ng “isa pang Maria,” at ama ng apostol na si Santiago na Nakabababa at ng kapatid nito na si Joses. (Mat 27:56; 28:1; Mar 15:40; 16:1; Luc 24:10) Malaki ang posibilidad at karaniwan nang kinikilala na si Clopas din mismo ang tinatawag na Alfeo. (Mat 10:3; Mar 3:18; Luc 6:15; Gaw 1:13) Ang dalawang pangalan ay maaaring iba’t ibang bigkas ng salitang-ugat na Aramaiko, o ang indibiduwal ding iyon ay maaaring may dalawang pangalan na halinhinang ginagamit, isang kaugalian na pangkaraniwan noong panahong iyon. Ang paniniwalang si Clopas ay kapatid ni Jose, na ama-amahan ni Jesus, ay isang palagay na salig lamang sa tradisyon.