Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Cozeba

Cozeba

[malamang, Sinungaling].

Isang lugar sa Juda kung saan nanirahan ang mga inapo ni Shela na anak ni Juda. (1Cr 4:21, 22) Itinuturing ng karamihan sa mga iskolar na ang Cozeba ay ang Aczib (“Chezib” sa ibang salin) na binanggit sa Genesis 38:5 at Josue 15:44. Salig dito, ipinapalagay na ito ang Tell el-Beida (Horvat Lavnin), na 5 km (3 mi) sa KTK ng Adulam. Lumilitaw na ang mga lalaki ng Cozeba ay kasama sa pananalitang “sila ang mga magpapalayok.”​—1Cr 4:23; tingnan ang ACZIB Blg. 1.