Creta, Mga Cretense
Ang ikalimang pinakamalaking pulo sa Mediteraneo, at ang mga naninirahan dito. Ang pulong ito ay may haba na mga 250 km (155 mi) at may iba’t ibang lapad mula 13 hanggang 56 na km (8 hanggang 35 mi). Ang Creta ay nasa timugang dulo ng Dagat Aegeano at mga 100 km (62 mi) sa TS ng Gresya. Nakahanay sa kahabaan ng makitid na pulo ang maraming bundok, na ang ilan ay nababalutan ng niyebe sa ilang bahagi ng taon. Ang Bundok Ida, na malapit sa gitna ng Creta, ay may taas na 2,456 na m (8,058 piye) mula sa kapantayan ng dagat. Ang H baybayin ay may maiinam na daungan, ngunit ang timugang baybayin ay mas pantay-pantay at sa kalakhang bahagi nito ay napakatatarik ng mga gilid ng bundok sa tabi ng dagat. Dahil dito, iilan lamang ang angkop na lugar sa T na baybayin upang maging mga daungan, gaya ng ipinahihiwatig sa ulat ng biyahe ni Pablo patungong Roma, na tatalakayin sa dakong huli.
Ipinapalagay ng karamihan na ang Creta ay ang “Captor” na tinutukoy sa Hebreong Kasulatan, at samakatuwid Jer 47:4; Am 9:7) Iniuugnay rin ng ilang iskolar ang “mga Kereteo” sa mga Cretense; ang Griegong Septuagint ay kababasahan ng “mga Cretense” sa halip na “mga Kereteo” kapuwa sa Ezekiel 25:15-17 at Zefanias 2:5-7. (Tingnan ang KERETEO, MGA.) Kung ipapalagay na ang Captor ay siya ring Creta, na waring makatuwiran naman, ang unang nanirahan sa pulo ay mga inapo ni Mizraim, na ang pangalan ay itinutumbas ng Bibliya sa Ehipto.—Gen 10:13, 14.
ay ito ang lugar na pinanggalingan ng mga Filisteo nang mandayuhan sila sa Canaan. (Ang sibilisasyon ng mga Cretense ay ibang-iba sa mga sibilisasyon ng Mesopotamia at ng Ehipto ngunit kasinringal din ng mga ito. Itinampok ng relihiyong Cretense ang kababaihan, anupat isang inang diyosa ang naging pinakaprominente rito. Gaya ng iba pang mga relihiyong ukol sa pag-aanak, laging may serpiyente sa mga wangis ng diyosang iyon, na maaaring hawak niya sa kaniyang mga kamay o nakapulupot sa katawan niya. Isang nakabababang lalaking bathala ang kadalasang iniuugnay sa kaniya, marahil ay sa kaugnayang mag-ina na malimit masumpungan sa ganitong uri ng kulto. Natagpuan sa Knossos ang isang krus na marmol, anupat ang krus ay isa ring sinaunang sagisag ng sekso. Ang sinaunang sibilisasyong ito ay naglaho noong huling mga siglo ng ikalawang milenyo. Noong unang milenyo B.C.E., ang Creta ay napasailalim ng pamumuno ng Gresya. Pagsapit ng ikalawang siglo B.C.E., ang pulo ay naging isang sentro at taguang-dako ng mga pirata na sumasalakay sa mga barkong naglalayag sa Mediteraneo. Pagkatapos, noong 67 B.C.E., nasupil ni Pompey ang Creta, at ito ay ginawang isang Romanong probinsiya kasama ng Cirene sa Hilagang Aprika.
Ang Gawain Doon ni Pablo. Kabilang ang Cretenseng mga Judio o mga proselita sa mga nasa Jerusalem noong Pentecostes ng 33 C.E. (Gaw 2:5, 11) Marahil ay nakarating ang Kristiyanismo sa Creta bilang resulta nito.
Ang apostol na si Pablo, noong patungo siya sa Roma para sa paglilitis, ay dumaan sa Creta sakay ng isang barko na may lulang mga butil mula sa Alejandria, noong taglagas ng taóng 58 C.E. Ang barkong ito, na may sakay na 276 katao, ay ‘naglayag na nanganganlong sa Creta,’ samakatuwid ay sa timugang panig ng pulo, ang panig na nakakubli sa hangin, kung saan naipagsasanggalang ang barko laban sa pasalungat na hilagang-kanlurang hangin. Mula sa Salmone na nasa S baybayin ng Creta, ang barko ay unti-unting naglayag nang pakanluran hanggang sa makarating ito sa Magagandang Daungan, isang maliit na look na may dakong madadaungan bago biglang lumiko patungong H ang timugang baybayin. Dito, bagaman salungat sa payo ni Pablo, napagpasiyahan na sikaping makarating sa Fenix, isa pang daungan na mga 65 km (40 mi) pa sa bandang itaas ng baybayin. Matapos lumigid sa Cape Littinos (Matala), ang barko ay “nagsimulang mamaybay sa baybayin” nang hampasin ito ng isang maunos na SHS hangin, na biglang bumugso mula sa bulubunduking mga dako, anupat ito ay tinangay at ipinagtulakan ng hangin. Mula roon, ang barko ay itinulak nang lampas sa pulo ng Cauda, mga 65 km (40 mi) mula sa Magagandang Daungan.—Gaw 27:6-16, 37, 38.
Ipinakikita ng ebidensiya na, pagkatapos ng kaniyang dalawang taóng pagkabilanggo sa Roma, si Pablo ay dumalaw sa Creta at nagsagawa ng gawaing Kristiyano roon noong huling bahagi ng kaniyang ministeryo. Bago siya lumisan, inatasan niya si Tito na manatili sa Creta upang ituwid ang ilang kalagayan sa gitna ng mga kongregasyon, anupat mag-aatas ito ng matatandang lalaki “sa bawat lunsod.” (Tit 1:5) Sa kalaunan, nang tinatalakay ang mga problema ng mga kongregasyon sa isang liham kay Tito, sinipi ni Pablo ang mga salita ng isang Cretenseng propeta na nagsasabing “ang mga Cretense ay laging mga sinungaling, mapaminsalang mababangis na hayop, matatakaw na di-nagtatrabaho.” (Tit 1:10-12) Ipinapalagay na ang mga salitang ito ay nanggaling kay Epimenides, isang Cretenseng makata noong ikaanim na siglo B.C.E. Ganito rin ang opinyon ng mga Griego hinggil sa sinaunang mga Cretense at para sa kanila ay singkahulugan ng sinungaling ang pangalang Cretense.
[Mapa sa pahina 508]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
GRESYA
Malaking Dagat
CRETA
Salmone
Fenix
Magagandang Daungan
Lasea
CAUDA