Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Crisopasio

Crisopasio

Isang semiprecious na batong hiyas na tinatagos ng liwanag. Ito’y isang kulay berdeng uri ng calcedonia. Ang kulay nito ay dahil sa katiting na porsiyento ng nikel na matatagpuan sa mineral na ito. Sa Bibliya, ang tanging pagtukoy sa crisopasio (sa Gr., khry·soʹpra·sos) ay nasa Apocalipsis, kung saan binanggit na ito ang ikasampung pundasyon ng pader ng “banal na lunsod, ang Bagong Jerusalem.”​—Apo 21:2, 20.