Cusan
Ang Cusan ay lumilitaw sa Habakuk 3:7 bilang katumbas ng “lupain ng Midian” at sa gayon ay maliwanag na isa pang pangalan ng Midian o nauugnay sa isang kalapit na bansa. Gaya ng ipinakikita sa artikulong CUS (Blg. 2), waring ang ilang inapo ni Cus ay namayan sa Peninsula ng Arabia; at ang pangalang Kusi o Kushim ay ginamit noong sinauna upang ilarawan ang ilang bayang Arabe ng rehiyong iyon.