Daberat
[Pastulan].
Isang lunsod na binanggit sa talaan ng mga hangganan ng Zebulon. (Jos 19:10, 12) Gayunman, ito ay itinuring na pag-aari ng karatig na tribo ni Isacar noong ibigay ito, kasama ang pastulang dako nito, sa mga Levita na mula sa pamilya ni Gerson (Gersom). (Jos 21:27, 28; 1Cr 6:71, 72) Ang Daberat ay hindi kasama sa talaan ng mga lugar na iniatas sa Isacar, ngunit ipinapalagay ng maraming heograpo na malamang na ito rin ang Rabit na binabanggit sa Josue 19:20, isang pangmalas na sinusuportahan ng teksto ng Vatican Manuscript No. 1209.—Tingnan ang RABIT.
Ang Daberat ay sinasabing matatagpuan ngayon sa kaguhuan ng Khirbet Dabura (Horvat Devora), malapit sa nayon ng Dabburiya sa HK gilid ng Bundok Tabor.