Dalet
[ד].
Ang ikaapat na titik ng alpabetong Hebreo. Dahil magkahawig ang mga titik na dalet [ד] at res [ר], posibleng magkamali ang mga eskriba sa pagkopya sa mga ito. Maaaring ito ang dahilan ng ilang pagkakaiba sa pagbaybay, gaya ng baybay na “Rodanim” sa 1 Cronica 1:7 at “Dodanim” naman sa Genesis 10:4.
Sa Hebreo, ang ikaapat na titik na ito ay ginamit bilang ang unang titik sa unang salita ng bawat isa sa walong talata ng Awit 119:25-32.—Tingnan ang HEBREO, II.