Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Dangkal

Dangkal

Isang panukat ng haba na humigit-kumulang ay katumbas ng distansiya sa pagitan ng dulo ng hinlalaki at ng dulo ng kalingkingan kapag nakaunat ang kamay. (Exo 28:16; 39:9; 1Sa 17:4; Eze 43:13) Ang dalawang dangkal ay katumbas ng isang siko; at ang tatlong sinlapad-ng-kamay ay katumbas ng isang dangkal. May katibayan na ang siko na karaniwang ginagamit noon ng mga Israelita ay may haba na 44.5 sentimetro (17.5 pulgada). (Tingnan ang SIKO.) Alinsunod dito, ang isang dangkal ay may haba na 22.2 sentimetro (8.75 pulgada).

Nang itinatampok niya ang kadakilaan ni Jehova, itinanong ng propetang si Isaias: “Sino ang . . . sumukat sa langit sa pamamagitan lamang ng isang dangkal?”​—Isa 40:12.