Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Datiles

Datiles

[sa Ingles, date].

Ang bunga ng palmang datiles (Phoenix dactylifera) na isang punong pangkaraniwan sa Palestina. Ang datiles ay biluhaba, malaman, matamis, at iisa ang buto.

Ang datiles ay pahapyaw lamang na binanggit sa ulat ng Bibliya. Halimbawa, inilarawan ng dalagang Shulamita ang maiitim na bungkos ng buhok ng kaniyang mangingibig na pastol bilang gaya ng “mga kumpol ng datiles” (“malago,” AS-Tg; sa Heb., tal·tal·limʹ; ‘mga bungkos ng datiles,’ Lexicon in Veteris Testamenti Libros, nina L. Koehler at W. Baumgartner, Leiden, 1958, p. 1030). Inihalintulad naman ni Solomon ang tindig ng Shulamita sa isang puno ng palma at ang mga suso nito sa “mga kumpol ng datiles” (“mga buwig ng mga ubas,” AS-Tg) at sa “mga buwig ng datiles” (sa Heb., san·sin·nimʹ; tingnan ang Lexicon in Veteris Testamenti Libros, p. 662).​—Sol 5:11; 7:7, 8; tingnan ang PALMA, PUNO NG.