Delaias
[Hinango ni Jehova [upang iligtas]].
1. Isang Aaronikong saserdote noong panahon ni David na itinalaga sa pamamagitan ng palabunutan bilang ulo ng ika-23 pangkat ng mga saserdote.—1Cr 24:1, 5, 18.
2. Anak ni Semaias; isa sa mga prinsipe sa korte ni Haring Jehoiakim na nakarinig kay Baruc nang basahin nito ang aklat na isinulat ni Jeremias at pagkatapos niyaon ay lumilitaw na nag-ulat sa hari. Nang basahin ang balumbon sa harap ni Jehoiakim, si Delaias at ang dalawa pang prinsipe ay nabigo sa pagsusumamo sa hari na huwag itong sunugin.—Jer 36:11-26.
3. Ang ninuno ng ilang tao na pumaroon sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. ngunit hindi nakapagpatunay na sila ay mga Israelita.—Ezr 2:1, 59, 60; Ne 7:61, 62.
4. Anak ni Mehetabel at ama ng Semaias na inupahan nina Sanbalat at Tobia upang takutin si Nehemias na gobernador.—Ne 6:10-13.
5. Isa sa pitong anak na lalaki ni Elioenai; inapo ni David sa pamamagitan ni Solomon.—1Cr 3:10, 24.