Deuel
[Kaalaman ng Diyos; Alam ng Diyos].
Isang tao na may anak na nagngangalang Eliasap na naglingkod bilang pinuno ng tribo ni Gad noong panahong nagpapagala-gala ang Israel sa ilang. (Bil 1:14; 7:42, 47; 10:20) Sa tekstong Masoretiko at Syriac na Peshitta, tinatawag siyang “Reuel” sa Bilang 2:14. Maaaring ito ay dahil sa pagkakamali ng eskriba, yamang ang mga titik Hebreo para sa “D” at “R” ay magkahawig at ang pangalang “Deuel” ay talagang lumilitaw sa Bilang 2:14 sa Samaritanong Pentateuch, Latin na Vulgate, at sa mahigit na isang daang manuskritong Hebreo.