Deuteronomio
Ang pangalang Hebreo ng ikalimang aklat na ito ng Pentateuch ay Deva·rimʹ (Mga Salita), na hinalaw sa pambungad na parirala ng tekstong Hebreo. Ang pangalang “Deuteronomio” ay nagmula sa titulong Griego sa Septuagint na Deu·te·ro·noʹmi·on, literal na nangangahulugang “Pangalawang Kautusan; Pag-uulit ng Kautusan.” Nagmula ito sa saling Griego ng isang pariralang Hebreo na nasa Deuteronomio 17:18, mish·nehʹ hat·toh·rahʹ, na tumpak na isinasaling ‘kopya ng kautusan.’
Yamang matagal nang kinikilala ng mga Judio na ang Deuteronomio ay bahagi ng Kautusan ni Moises, ipinakikita nito na ang aklat ay talagang bahagi ng kanon ng Bibliya at na isinulat ito ni Moises. Sa pangkalahatan, ang katibayan ng autentisidad ng Deuteronomio ay kapareho niyaong sa apat na iba pang aklat ng Pentateuch. (Tingnan ang PENTATEUCH; gayundin ang mga aklat sa ilalim ng indibiduwal na mga pangalan.) Si Jesus ang pangunahing nagpatotoo sa autentisidad ng Deuteronomio, anupat tatlong ulit siyang sumipi mula rito nang tanggihan niya ang mga tukso ni Satanas na Diyablo. (Mat 4:1-11; Deu 6:13, 16; 8:3) Gayundin, nang tanungin si Jesus kung ano ang pinakadakila at unang utos, sumipi siya mula sa Deuteronomio 6:5. (Mar 12:30) Si Pablo naman ay sumipi mula sa Deuteronomio 30:12-14; 32:35, 36.—Ro 10:6-8; Heb 10:30.
Ang panahong saklaw ng aklat ng Deuteronomio ay mahigit nang kaunti sa dalawang buwan ng taóng 1473 B.C.E. Ito ay isinulat sa Kapatagan ng Moab at binubuo ng apat na diskurso, isang awit, at isang pagpapala ni Moises noong nagkakampo ang Israel sa mga hanggahan ng Canaan bago sila pumasok sa lupain.—Deu 1:3; Jos 1:11; 4:19.
Layunin. Sa kabila ng kahulugan ng pangalang Deuteronomio, ang aklat na ito ay hindi pangalawang kautusan ni pag-uulit ng buong Kautusan kundi sa halip ay pagpapaliwanag nito, gaya ng sinasabi sa Deuteronomio 1:5. Pinayuhan nito ang Israel na maging tapat kay Jehova, anupat ginamit ang salinlahing nagpagala-gala nang 40 taon bilang halimbawa na hindi dapat tularan. Ipinaliwanag at pinalawak ni Moises ang ilan sa mahahalagang punto sa Kautusan at ang kaugnay na mga simulain, na isinasaalang-alang ang bagong mga kalagayan ng Israel kapag permanente na silang naninirahan sa lupain. Ibinagay niya sa kalagayan ang ilan sa mga kautusan at nagbigay siya ng karagdagang mga tuntunin may kinalaman sa pangangasiwa ng pamahalaan kapag namamayan na sila sa Lupang Pangako.
Sa pagpapayo at pananawagan sa kanila na pumasok sa panibagong pakikipagtipang ito kay Jehova sa pamamagitan ni Moises, ipinakadiin ng aklat ng Deuteronomio ang kaalaman, turo, at tagubilin. Ang iba’t ibang anyo ng salitang “ituro” ay mas madalas lumitaw sa Deuteronomio kaysa sa Exodo, Levitico, o Mga Bilang. Ipinaliwanag ni Moises na tinuturuan ni Jehova ang Israel noong pakainin Niya sila ng manna. (Deu 8:3) Sa makasagisag na pananalita, sinabi niya sa mga Israelita na ilagay ang kautusan ni Jehova sa pagitan ng kanilang mga mata bilang pangharap na pamigkis at sa mga poste ng pinto ng kanilang mga bahay at sa kanilang mga pintuang-daan. (6:8, 9) Iniutos niya sa kanila na ikintal sa kanilang mga anak ang Kaniyang kautusan. (6:6, 7) Tinagubilinan silang basahin ang Kautusan tuwing ikapitong taon, sa panahon ng (taunang) Kapistahan ng mga Kubol. (31:10-13) Binigyan ng pantanging mga tagubilin ang sinumang magiging hari sa Israel sa hinaharap. Dapat siyang sumulat ng isang kopya ng Kautusan para sa kaniyang sarili at basahin iyon araw-araw. (17:18-20) Tuwing lalabas ang Israel sa pagbabaka, pasisiglahin ng mga saserdote ang bayan na manampalataya at magpakalakas-loob at bibigyang-katiyakan sila ng mga ito na magtatagumpay sila, sapagkat si Jehova na kanilang Diyos ay humahayong kasama nila. (20:1-4) Kapag nakapasok na sila sa Lupang Pangako, hahatiin nila ang mga tribo sa dalawang grupo, anupat ang isang grupo ay tatayo sa Bundok Ebal at ang isa naman ay sa Bundok Gerizim, at pagkatapos ay babasahin sa kanila ang Kautusan ng Diyos.—27:11-26; ihambing ang Jos 8:33-35.
Mat 22:36, 37), ay dito rin isinasaad sa pantanging paraan: “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong lakas.” (Deu 6:5; tingnan din ang 10:12; 11:13.) Paulit-ulit na ipinahayag ni Jehova ang kaniyang pag-ibig sa Israel. (7:7-9; 23:5; 33:3) Itinatampok ng mismong pananalita ng Deuteronomio ang pag-ibig ni Jehova sa kaniyang bayan: “Kung huhubugin lamang nila ang puso nilang ito upang matakot sa akin at tuparin ang lahat ng aking mga utos sa tuwina, upang mapabuti sila at ang kanilang mga anak hanggang sa panahong walang takda!” (5:29) Sa katunayan, paulit-ulit nating mababasa sa Deuteronomio ang mga pananalitang gaya ng “upang mapabuti ka” at “upang manatili kang buháy.”—4:40; 5:16; 6:3; 22:7; 30:19, 20.
Itinampok ang Pag-ibig. Itinatampok din sa Deuteronomio ang pag-ibig, kabaitan, at konsiderasyon. Ang salitang “pag-ibig” mismo, bilang isang pangngalan o isang anyo ng pandiwa, ay lumilitaw sa Deuteronomio nang limang ulit na mas marami kaysa sa kabuuang bilang ng paglitaw nito sa Exodo, Levitico, at Mga Bilang. Ang pinakadakilang utos, na tinukoy ni Jesus (Bagaman ang Israel ay mapapaharap sa pakikipagdigma sa pagkuha sa lupain, hindi kinaligtaan ni Jehova ang maibiging konsiderasyon. Ang tagumpay ay hindi napakahalaga o lubhang apurahan Deu 20:7) Malaya rin sa gayong tungkulin ang bagong-kasal na lalaki, upang mapaligaya niya ang kaniyang asawa at makapiling siya nito nang isang buong taon man lamang. (24:5) Kung ang isang lalaki ay nagtanim ng ubasan at hindi pa siya nakakakain ng bunga nito o nagtayo ng bahay at hindi pa niya ito napasisinayaan, pagkakalooban siya ng eksemsiyon sa pakikipagdigma upang matamasa niya ang bunga ng kaniyang mga pagpapagal.—20:5, 6.
anupat kailangang magpataw ng napakahigpit na mga kahilingan. Ang isang lalaking malapit nang ikasal ay malaya sa tungkuling militar. (Binigyan sila ng espesipikong mga detalye may kinalaman sa pakikipagdigma at pagkuha sa lupain ng Canaan. Pauuwiin ang mga matatakutin, dahil baka mapanghina rin nila ang mga puso ng kanilang mga kapatid. (Deu 20:8) Ang mga lunsod ng partikular na mga bansa ng Canaan na sukdulan na sa kabalakyutan ay walang pagsalang itatalaga sa pagkapuksa, ngunit ang mga lunsod na hindi pag-aari ng mga bansang iyon ay pamimiliin ng pagsuko o pagkapuksa. Kung susuko sila, isasailalim sila sa puwersahang pagtatrabaho, ngunit kahilingan ng Kautusan na kahit ang mga alipin ay dapat pakitunguhan nang may kabaitan, at ipinagsanggalang ng mga utos nito ang mga babae laban sa pangmomolestiya kahit sa mga lunsod na nasakop sa digmaan. Kapag ayaw sumuko ng lunsod, ang lahat ng mga lalaki ay papatayin, anupat tanging ang maliliit na bata at ang mga babaing hindi pa nasisipingan ng lalaki ang paliligtasin. (20:10-18; ihambing ang Bil 31:17, 18.) Kung magtatayo sila ng mga kayariang pangubkob sa palibot ng isang lunsod, hindi pahihintulutan ang mga Israelita na pumutol ng mga namumungang punungkahoy.—Deu 20:19, 20.
Ang mga hayop ay binigyan din ng maibiging konsiderasyon sa aklat ng Deuteronomio. Pinagbawalan ang mga Israelita na kunin ang ibon na nakaupo sa pugad, sapagkat madali itong hulihin dahil sa likas nitong ugali na ipagsanggalang ang kaniyang mga supling. Pahihintulutan itong makatakas, ngunit ang inakáy ay maaaring kunin ng mga Israelita para sa kanilang sarili. Sa gayon ay maaari pang magkaroon ng mga inakáy ang inahin. (Deu 22:6, 7) Hindi pinahihintulutan ang magsasaka na isingkaw ang asno sa isang toro, upang hindi mahirapan ang hayop na mas mahina. (22:10) Hindi dapat busalan ang toro habang gumigiik ng butil upang hindi ito mapahirapan dahil sa gutom samantalang nasa harap nito ang butil at nagpapagal ito sa paggiik niyaon.—25:4.
Ipinakita ang konsiderasyon may kaugnayan sa relasyong pampamilya at panlipunan. Ang panganay na anak ay dapat tumanggap ng dobleng bahagi, anak man siya ng paboritong asawa o hindi. (Deu 21:15-17) Sa unang pagkakataon ay sinabi na ang pag-aasawa bilang bayaw ay isang kautusan, at binalangkas ang mga parusa sa paglabag dito upang ito’y maging mapuwersa. (25:5-10) Iniutos ang pagkakaroon ng tapat na mga panimbang at mga panukat. (25:13-16) Ang kahalagahan ng buhay ay idiniin ng utos na gumawa ng halang sa palibot ng bubong ng bahay. (22:8) Ang konsiderasyon kahit sa nagkasalang hahampasin bilang parusa ay ipinakita ng Kautusan na nagtakda ng hanggang 40 hampas lamang. (25:1-3) Ang lahat ng tuntuning ito ay nagbigay ng higit na detalye sa Kautusan, samantalang nagpapakita rin ng malaking konsiderasyon. Kasabay nito, mababanaag sa mga iyon ang higit na kahigpitan.
Mga Babala at mga Kautusan. Ang Deuteronomio ay punô ng mga babala laban sa huwad na pagsamba at kawalang-katapatan gayundin ng mga tagubilin kung paano iyon haharapin upang maingatan ang dalisay na pagsamba. Namumukod-tangi sa aklat ng Deuteronomio ang payo na magpakabanal. Pinaalalahanan ang mga Israelita na huwag makipag-asawa sa mga tao ng mga bansa sa palibot, sapagkat ito’y magiging banta sa dalisay na pagsamba at sa katapatan nila kay Jehova. (Deu 7:3, 4) Binabalaan sila laban sa materyalismo at pagmamatuwid sa sarili. (8:11-18; 9:4-6) Binigyan sila ng mahihigpit na kautusan may kinalaman sa apostasya. Dapat nilang ingatan ang kanilang sarili upang hindi sila bumaling sa ibang mga diyos. (11:16, 17) Binabalaan sila laban sa mga bulaang propeta. Sa dalawang bahagi ng aklat, tinagubilinan sila kung paano makikilala ang isang bulaang propeta at kung paano siya dapat pakitunguhan. (13:1-5; 18:20-22) Kahit na miyembro ng pamilya ng isa ang maging apostata, hindi siya dapat kahabagan ng kaniyang pamilya kundi dapat silang makibahagi sa pagbato sa isang iyon hanggang sa mamatay.—13:6-11.
Ang mga lunsod ng Israel na nag-apostata ay dapat italaga sa pagkapuksa, at walang anumang bagay ang iingatan para sa personal na kapakinabangan ninuman. Hindi na muling itatayo ang lunsod na iyon. (Deu 13:12-17) Ang mga delingkuwente na hindi na makontrol ng kanilang mga magulang ay babatuhin hanggang sa mamatay.—21:18-21.
Ang kabanalan at pagiging malaya sa pagkakasala sa dugo ay idiniin ng kautusan hinggil sa paghawak sa kaso ng pagpaslang na hindi nalutas. (Deu 21:1-9) Bilang pagtataguyod sa dalisay na pagsamba, ang Deuteronomio ay naglalaman ng mga tuntunin hinggil sa kung sino ang maaaring maging miyembro ng kongregasyon ni Jehova at kung kailan. Hindi tatanggapin ang anak sa ligaw hanggang sa ikasampung salinlahi, ang Moabita o Ammonita hanggang sa panahong walang takda, at ang bating. Gayunman, maaaring maging miyembro ng kongregasyon ang mga Ehipsiyo at mga Edomita ng ikatlong salinlahi.—23:1-8.
Binalangkas ng Deuteronomio ang kaayusang hudisyal para sa Israel kapag nakapamayan na sila sa Lupang Pangako. Nakasaad dito ang mga kuwalipikasyon para sa mga hukom at ang pagsasaayos ng mga hukuman sa mga pintuang-daan ng mga lunsod, anupat ang santuwaryo ang siyang kataas-taasang hukuman sa lupain, na ang mga paghatol ay dapat sundin ng buong Israel.—Deu 16:18–17:13.
Idiniriin ng Deuteronomio ang posisyon ni Jehova bilang ang tanging Diyos (Deu 6:4), ang posisyon ng Israel bilang ang kaniyang tanging bayan (4:7, 8), at ang pagtatatag ng isang sentro ng pagsamba (12:4-7). Inihuhula nito ang pagdating ng isa na ibabangon bilang isang propeta na tulad ni Moises at magsasalita sa pangalan ni Jehova, ang isa na sa kaniya’y dapat magpasakop ang lahat.—18:18, 19.
[Larawan sa pahina 583]
MGA TAMPOK NA BAHAGI NG DEUTERONOMIO
Mga diskurso na nagpapaliwanag sa ilang bahagi ng Kautusan at nagpapayo sa Israel na ibigin at sundin si Jehova sa lupain na malapit na nilang pasukin
Isinulat ni Moises mismong bago pumasok ang Israel sa Lupang Pangako noong 1473 B.C.E.
Payo na alalahanin ang ginawa ni Jehova at na siya lamang ang paglingkuran (1:1–4:49)
Ginunita ni Moises ang pagsusugo ng mga tiktik, ang walang-pananampalataya at mapaghimagsik na pagtugon sa ulat ng mga ito, ang sumpa ni Jehova na ang salinlahing iyon ay mamamatay sa ilang
Hindi dapat ligaligin ng Israel ang mga anak ni Esau (na nagmula sa kapatid ni Jacob) o ang Moab at Ammon (na mga supling ng pamangkin ni Abraham na si Lot); ngunit ibinigay ni Jehova sa Israel ang lupain ng mga Amoritang hari na sina Sihon at Og, na nasa S ng Jordan
Nagsumamo si Moises kay Jehova na hayaan siyang tumawid sa Jordan; sa halip, inutusan siya ni Jehova na atasan at palakasin si Josue upang manguna sa bansa
Ipinaalaala ni Moises sa bansa ang nag-aapoy na galit ni Jehova may kaugnayan sa Baal ng Peor; hindi nila dapat kalimutan ang nasaksihan nila sa Horeb, hindi sila dapat gumawa ng inukit na imahen para sa pagsamba; si Jehova, na tanging tunay na Diyos, ay humihiling ng bukod-tanging debosyon
Payo na ibigin si Jehova at sundin ang lahat ng kaniyang utos (5:1–26:19)
Inilahad ni Moises ang pagbibigay ng Kautusan sa Horeb, muling binigkas ang Sampung Salita, hinimok ang Israel na gawin ang gaya ng iniutos ni Jehova
Dapat nilang ibigin si Jehova nang buong puso, kaluluwa, at lakas; dapat nilang panatilihing laging nasa harap nila ang mga utos ng Diyos; dapat nilang ipaliwanag sa kanilang mga anak kung bakit ibinigay ang mga tuntunin ni Jehova
Pitong bansa sa lupain ang pupuksain, kasama ang kanilang mga altar at mga imahen; hindi dapat makipag-alyansa sa mga ito ukol sa pag-aasawa
Hindi nila dapat kalimutan kung paano sila pinakitunguhan ng Diyos sa ilang upang ipaunawa sa kanila na hindi sa tinapay lamang nabubuhay ang tao kundi sa bawat pananalita ng bibig ni Jehova
Dapat nilang alalahanin kung paano nila pinukaw sa galit si Jehova dahil sa paggawa ng binubong guya; dapat silang matakot, maglingkod, at mangunyapit sa kaniya; dapat nilang tuparin ang buong utos
Mga tuntuning dapat sundin sa Lupang Pangako: Pawiin ang huwad na relihiyon ng Canaan; sumamba sa dakong pipiliin ni Jehova; huwag kumain ng dugo; patayin ang mga apostata; kumain ng malinis na pagkain; ibigay ang ikasampu ng ani kay Jehova; magpakita ng konsiderasyon sa dukha; ipagdiwang ang mga taunang kapistahan; itaguyod ang katarungan; iwasan ang espiritismo; makinig sa isa na ibabangon ni Jehova bilang propeta; huwag iurong ang mga muhon; ingatang malinis ang lupain mula sa pagkakasala sa dugo; maging mahabagin; manatiling malinis mula sa seksuwal na imoralidad; ibigay ang mga unang bunga ng lupain kay Jehova; magpakabanal kay Jehova
Mga pagpapala dahil sa pagsunod kay Jehova, mga sumpa dahil sa pagsuway (27:1–28:68)
Pagkatawid ng bansa sa Jordan, ang Kautusan ay dapat isulat sa malalaking bato
Bibigkasin sa Bundok Ebal ang mga sumpa dahil sa pagsuway
Bibigkasin sa Bundok Gerizim ang mga pagpapala dahil sa pagsunod sa lahat ng utos ni Jehova
Isang tipan ang ginawa sa Kapatagan ng Moab (29:1–30:20)
Isinalaysay ang pangangalaga ni Jehova noong ang Israel ay nasa Ehipto at noong 40-taóng pamamalagi nila sa ilang; nagbabala laban sa katigasan ng ulo at pagkamasuwayin
Inihula na maaawa si Jehova sa mga nagsisisi
Pinapili sila ng buhay o kamatayan; hinimok silang piliin ang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig kay Jehova, pakikinig sa kaniyang tinig, at pananatili sa kaniya
Pagsasalin kay Josue ng atas na manguna, at panghuling mga pagpapala ni Moises (31:1–34:12)
Inatasan si Josue na manguna sa Israel
Tinuruan ni Moises ang Israel ng isang awit na magiging saksi laban sa kanila kapag iniwan nila si Jehova
Pinagpala ni Moises ang mga tribo ng Israel, pagkatapos ay namatay siya sa Bundok Nebo