Dipat
Isang inapo ni Noe sa pamamagitan ni Japet at ni Gomer; tinawag na Ripat sa Latin na Vulgate, sa Griegong Septuagint, at sa mga 30 manuskritong Hebreo, gayundin sa Genesis 10:3. (1Cr 1:4-6, tlb sa Rbi8) Ang baybay na “Dipat” na nasa tekstong Masoretiko sa 1 Cronica 1:6 ay maaaring lumitaw dahil sa pagkakamali ng tagakopya, yamang magkahawig na magkahawig ang mga titik Hebreo para sa “R” (ר) at “D” (ד).