Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Dison

Dison

[posible, Antilope].

Ang pangalan ng isa o ng dalawang magkaibang lalaki sa mga talaangkanang nakaulat sa Genesis 36:20-28 at 1 Cronica 1:38-42.

Nakatala sa Genesis 36:20, 21 (gayundin sa tal 29, 30) ang pitong “anak ni Seir na Horita” bilang mga shik, samakatuwid nga, sina Lotan, Sobal, Zibeon, Anah, Dison, Ezer, at Disan. Pagkatapos, sa mga talata 22 hanggang 28, ang bawat isa sa pitong shik ay nakatala kasama ng kani-kaniyang mga anak. Sa talata 25, ang isa sa mga anak ni Anah ay nagngangalang Dison. Ipinapalagay ng ilan na ang Dison na ito ay apo ni Seir at pamangkin ni Shik Dison, kung ang lahat ng pitong shik ay tunay na “mga anak” ni Seir, samakatuwid nga, kabilang sa iisang salinlahi.

Gayunman, ipinapalagay ng iba na ipinakikilala ng ulat ang pitong shik bilang mga inapo lamang ni Seir, hindi kabilang sa iisang salinlahi, samakatuwid nga, “mga anak” sa mas malawak na diwa. Kaya iminumungkahi nila na ang Dison sa talata 25 ay si Shik Dison din (Gen 36:21, 26) at hindi isang pamangkin niya. Ayon sa pangmalas na ito, bagaman si Dison ay tunay na anak ni Shik Anah, binanggit siya kasama ng anim na iba pang shik hindi dahil kapatid niya sila kundi dahil kapantay niya sila sa pagiging shik.