Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Diyos ng Suwerte, Diyos ng Tadhana

Diyos ng Suwerte, Diyos ng Tadhana

Noong panahon ni Isaias, ang mga apostatang Judio ay nasangkot sa pagsamba sa “diyos ng Suwerte” (sa Heb., gadh) at sa “diyos ng Tadhana” (sa Heb., meniʹ). Ang mga mananamba ng mga bathalang ito ay naghahanda ng mesa na may pagkain at inumin sa harap ng mga diyos na ito. Sinabi ni Jehova sa mga mananambang iyon na itatalaga niya silang mamatay sa pamamagitan ng tabak.​—Isa 65:11, 12.

Ang mga Asiryano at mga Babilonyo ay malimit maghanda ng pagkain at inumin para sa kanilang mga diyos. Ang mga taga-Haran naman ay gumagawa ng mga panata at umaasang tatanggapin ng “Panginoon ng Suwerte” ang mga iyon. Sa komento ni Jerome sa Isaias 65:11, isinulat niya na “sa lahat ng lunsod, at lalo na sa Ehipto at Alejandria, may isang sinaunang idolatrosong kaugalian, na tuwing huling araw ng huling buwan ng kanilang taon ay naghahanda sila ng mesang punô ng iba’t ibang uri ng pagkain, at ng isang kopa na hinaluan ng matamis na alak, upang tiyakin ang suwerte para sa pagiging mabunga ng nagdaan o ng darating na taon.”​—Corpus Christianorum, Series Latina, LXXIII A, S. Hieronymi presbyteri opera, Pars 1, 2A, Turnhout, Belgium, 1963, p. 754.