Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Dodanim

Dodanim

Lumilitaw sa Genesis 10:4 ang pangalang ito bilang ang ikaapat na nakatalang anak ni Javan. “Rodanim” naman ang mababasa sa Griegong Septuagint at Samaritanong Pentateuch. “Rodanim” din ang matatagpuan sa Hebreong tekstong Masoretiko sa 1 Cronica 1:7, bagaman sa maraming manuskritong Hebreo, gayundin sa Syriac na Peshitta at Latin na Vulgate, ay “Dodanim” ang mababasa.​—Tingnan ang RODANIM.