Dodo
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “minamahal”].
1. Isang ninuno, malamang na lolo, ni Hukom Tola na mula sa tribo ni Isacar.—Huk 10:1.
2. Isang inapo ni Benjamin sa pamamagitan ni Ahohi. Ang anak ni Dodo na si Eleazar ay isa sa tatlong makapangyarihang lalaki ni David. (2Sa 23:9; 1Cr 11:12) Si Dodai (isa pang anyo ng Dodo) ay naglingkod, marahil ay sa pamamagitan ng kaniyang anak na si Eleazar, bilang pinuno ng pangkat ng hukbo para sa ikalawang buwan.—1Cr 27:4.
3. Isang taong nakatira sa Betlehem na ang anak na si Elhanan ay isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David.—2Sa 23:24; 1Cr 11:26.