Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Dopka

Dopka

[posible, Itinaboy; Itinulak].

Ang unang lugar na hinintuan ng mga Israelita pagkaalis nila sa Ilang ng Sin noong patungo sila sa Lupang Pangako. (Bil 33:12, 13) Hindi binanggit ng Bibliya ang eksaktong lokasyon nito. Gayunman, ipinapalagay ng maraming iskolar na ang Dopka ay ang Mafqat ng Ehipto, isang distrito na isinunod sa pangalan ng turkesang minimina mula pa noong sinaunang panahon sa palibot ng Sarabit el-Khadim, na mga 34 na km (21 mi) sa S ng makabagong-panahong Abu Zanima sa Peninsula ng Sinai.