Dragon
Mula sa Griegong draʹkon, na lumalarawan sa isang nakapangingilabot na halimaw, isang tulad-serpiyenteng manlalamon. Ito ay lumilitaw nang 13 beses sa Bibliya ngunit masusumpungan lamang sa lubhang makasagisag na aklat ng Apocalipsis at kumakatawan kay Satanas na Diyablo. Siya ang “malaking dragon na kulay-apoy, na may pitong ulo at sampung sungay,” at may buntot na kumakaladkad sa “isang katlo ng mga bituin sa langit,” anupat ang mga ito ay naudyukan munang magkatawang-tao bago ang Baha at pagkatapos ay naging mga demonyo. (Apo 12:3, 4; Jud 6) Kasama ng mga demonyong ito, si Satanas na Dragon ay itinapon mula sa langit patungo sa kapaligiran ng lupa. “Kaya inihagis ang malaking dragon, ang orihinal na serpiyente, ang tinatawag na Diyablo at Satanas.” (Apo 12:7-9) Sa abang kalagayang ito, pinag-uusig niya ang nalabi ng “babae” ng Diyos, yaong mga may “gawaing pagpapatotoo.”—Apo 12:13-17.
Ang tulad-dragon na si Satanas din ang nagbibigay ng kapangyarihan at dakilang awtoridad sa makasagisag na mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay, at sa gayo’y sinasamba siya ng Apo 13:2-4) Sa pangitain, nakita rin ni Juan na ang kumokokak na tulad-palakang “mga kapahayagang kinasihan ng mga demonyo,” na pumaparoon sa “mga hari ng buong tinatahanang lupa,” ay nanggagaling sa bibig ng Dragon, o ni Satanas, at sa mga bibig din ng “mabangis na hayop” at ng “bulaang propeta.” Bilang resulta, ang mga tagapamahalang ito at ang kanilang mga tagasuporta ay natitipon “sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat . . . sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Har–Magedon [Armagedon].” (Apo 16:13-16) Pagkatapos ng digmaang ito na pinakadakila sa lahat ng digmaan, susunggaban ng “anghel” na bumababa mula sa langit “ang dragon, ang orihinal na serpiyente, na siyang Diyablo at Satanas,” at igagapos siya at ibubulid sa kalaliman sa loob ng isang libong taon.—Apo 20:1-3; tingnan ang SATANAS.
mga tao sa “buong lupa.” (