Ebal, Bundok
Isang bundok na kilala sa ngayon bilang Jebel Eslamiyeh (Har ʽEval), na nasa distrito ng Samaria. Ang Bundok Ebal ay katapat ng Bundok Gerizim, anupat sa pagitan ng mga bundok na ito ay may isang maganda at makitid na libis, ang Lambak ng Sikem (Libis ng Nablus), na kinaroroonan ng lunsod ng Nablus, di-kalayuan sa sinaunang Sikem. Ang mabababang dalisdis lamang nito ang natatamnan ng mga pananim gaya ng punong ubas at punong olibo, yamang tigang at mabato ang bandang itaas nito. Tulad ng iba pang mga bundok sa Samaria, ang pinakaloob Deu 11:29, 30.
ng Ebal ay batong-apog na ang pinakalabas ay yeso. Ito ay nasa dakong HS ng Bundok Gerizim at may taas na mahigit sa 900 m (3,000 piye) mula sa kapantayan ng Mediteraneo. Ang mga bundok ng Ebal at Gerizim ay nasa K ng Ilog Jordan.—Kung tatanaw sa H mula sa taluktok ng Ebal, makikita ng isa ang kalakhang bahagi ng lupain ng Galilea at pati ang Bundok Hermon. Ang matataas na dako sa kapaligiran ng Jerusalem ay makikita sa dakong T, at ang Kapatagan ng Saron at ang Mediteraneo naman sa dakong K. Posibleng makita sa dakong S ang Hauran sa kabila ng Jordan. Minsan ay nagkampo si Abram (Abraham) sa libis na nasa pagitan ng dalawang bundok na ito, malapit sa malalaking punungkahoy ng More.—Gen 12:6.
Sinabi ni Moises sa mga Israelita na kapag ipinasok sila ni Jehova sa lupaing aariin nila, kanila namang ‘ibibigay ang pagpapala sa Bundok Gerizim at ang sumpa sa Bundok Ebal.’ (Deu 11:29, 30) Tinagubilinan din niya sila na pumili ng malalaking bato na di-tinabas, paputiin ang mga iyon sa apog, at ilagay ang mga iyon sa Bundok Ebal. Ititindig doon ang isang altar, na sa ibabaw nito maghahandog kay Jehova ng mga hain. Sinabi rin ni Moises, “Isusulat mo sa mga bato ang lahat ng mga salita ng kautusang ito, na ginagawang totoong malinaw ang mga iyon.”—Deu 27:1-8.
Pagkatawid ng Israel sa Jordan, ang mga tribo nina Ruben, Gad, Aser, Zebulon, Dan, at Neptali ay “tatayo para sa sumpa sa Bundok Ebal,” at ang ibang mga tribo naman ay “tatayo upang pagpalain ang bayan sa Bundok Gerizim.” Sa pagkakataong iyon, bibigkasin ang mga pagpapala sa mga susunod sa kautusan ng Diyos, gayundin ang mga sumpa sa mga lalabag sa kaniyang kautusan. (Deu 27:12-14) Kapag ipinahayag ang mga sumpa para sa pagsuway, ang buong bayan ay magsasabi ng “Amen!” samakatuwid nga, “Mangyari nawa!” upang ipakitang sang-ayon sila na ang mga manggagawa ng kabalakyutan ay dapat hatulan.—Deu 27:15-26.
Pagkaraan ng tagumpay ng Israel sa Ai, sinunod ni Josue ang mga tagubilin ni Moises, anupat nagtayo ng altar para kay Jehova sa Bundok Ebal. Isinulat niya sa mga bato (marahil ay sa mga bato ng altar mismo) ang “isang kopya ng kautusan ni Moises na isinulat niya sa harap ng mga anak ni Israel.” Pagkatapos, sa harap ng kongregasyon ng Israel (kasama ang mga naninirahang dayuhan) na nagkatipon gaya ng itinagubilin ni Moises, “binasa [ni Josue] nang malakas ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang pagpapala at ang sumpa, ayon sa lahat ng nakasulat sa aklat ng kautusan.” Ang kalahati ng kongregasyon ay nakatayo sa harap ng Bundok Ebal at ang kalahati naman ay sa harap ng Bundok Gerizim, anupat ang kaban ng tipan at ang Jos 8:30-35) Ang magkaharap na mga dalisdis ng Bundok Ebal at Bundok Gerizim ay naglaan ng mahusay na akustika para sa okasyong ito. Kapansin-pansin din na naganap ang mga pangyayaring ito sa halos pinakasentro ng lupang pangako at malapit sa dako kung saan ipinangako ni Jehova ang lupaing ito sa ninuno ng Israel na si Abram (Abraham).—Gen 12:6, 7.
mga Levita ay nasa pagitan ng dalawang grupo. (Ayon sa tradisyong Judio, ang mga Levita, na nakatayo sa pagitan ng Bundok Ebal at ng Bundok Gerizim, ay humaharap sa Bundok Gerizim kapag bumibigkas ng pagpapala, na sinasagot ng bayang nagkakatipon doon ng “Amen!” Pagkatapos ay sinasabing humaharap sila sa Bundok Ebal at bumibigkas ng isa sa mga sumpa, na sinasagot naman ng “Amen!” ng mga nagkakatipon sa panig na iyon. Gayunman, hindi binanggit ng Kasulatan ang eksaktong pamamaraan na sinunod sa natatanging okasyong iyon.
Sa Deuteronomio 27:4, sinasabi sa Samaritanong Pentateuch na ang mga bato ay ilalagay sa Bundok “Gerizim.” Gayunman, “Ebal” ang mababasa sa tekstong Masoretiko, Latin na Vulgate, Syriac na Peshitta, at Griegong Septuagint. Ipinakikita ng Josue 8:30-32 na sa Bundok Ebal inilagay ni Josue ang mga bato kung saan isinulat ang “isang kopya ng kautusan ni Moises.”—Tingnan ang GERIZIM, BUNDOK.
[Larawan sa pahina 626]
Isang tanawin mula sa Bdk. Gerizim kapag nakaharap sa Bdk. Ebal