Ebenezer
[Bato ng Pagtulong].
1. Isang lugar na malapit dito ay dalawang beses na natalo ng mga Filisteo ang Israel, na naging dahilan naman ng pagkamatay ng 34,000 Israelita, kasama sina Hopni at Pinehas, at ng pagbihag ng 1Sa 4:1-11, 17, 18; 5:1) Ipinapalagay ng mga iskolar na ang Ebenezer ay ang Majdel Yaba, na 4 na km (2.5 mi) sa TS ng Apek sa Kapatagan ng Saron (kung saan nagkampo ang mga Filisteo).
mga kaaway sa kaban ng tipan. Nang mabalitaan ni Eli na saserdote ang huling nabanggit na pangyayari, siya ay namatay. (2. Ang pangalang ibinigay sa batong itinindig ni Samuel mahigit na 20 taon pagkaraan ng mga pangyayaring binanggit sa sinundang kabanata, malamang ay upang gunitain ang tagumpay ng Israel laban sa mga Filisteo dahil sa tulong ng Diyos. (1Sa 7:2, 12) Bagaman sa ngayon ay hindi alam ang eksaktong lokasyon nito, lumilitaw na ito ay may ilang milya sa TS ng Blg. 1, “sa pagitan ng Mizpa at Jesana.”