Eglaim
Maliwanag na isa sa mga lugar na nasa pinakamalalayong hangganan ng Moab na ayon sa Isaias 15:1, 8 ay ‘magpapalahaw’ dahil sa pananamsam sa bansang iyon. Hindi matiyak ang eksaktong lokasyon ng sinaunang lugar na ito. Gayunman, ang pangalang Eglaim at ang isang kahawig na pangalan, Agallim, na binanggit ni Eusebius (Onomasticon, 36, 19-21) na mga 12 km (7.5 mi) sa T ng Rabbath-Moab, ay maaaring napanatili sa Rujm el-Jilimeh sa lugar na iyon o sa Khirbet Jeljul, isang lokasyon na mula pa noong mga panahong Nabateano-Romano, na 7 km (4 na mi) sa dako pang timog. Iminumungkahi ni Yohanan Aharoni na ito ay ang Mazraʽ, isang oasis sa HS ng Peninsula ng Lisan.