Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Elasar

Elasar

Isang kaharian o lunsod kung saan naghari si Ariok noong panahon ni Abraham at ni Lot. (Gen 14:1) Si Haring Ariok ng Elasar ay nakipagtulungan sa mga haring sina Amrapel ng Sinar, Kedorlaomer ng Elam, at Tidal ng Goiim sa pakikipagdigma laban sa mga hari ng naghimagsik na mga estadong-lunsod (Sodoma, Gomorra, Adma, Zeboiim, at Bela, o Zoar) sa Mababang Kapatagan ng Sidim, o ang Dagat Asin. Natalo ang mga rebelde, at si Lot, na tumatahan noon sa Sodoma, ay nabihag at dinala patungong H. Gayunman, naabutan ni Abram (Abraham) sa Dan, kasama si Mamre, Aner, at Escol bilang mga kaalyado niya, ang pinagsama-samang mga hukbo ng apat na hari. Doon ay tumakas sila dahil sa kaniya, anupat nailigtas si Lot at ang bayan at nabawi ang mga pag-aari.​—Gen 14:1-16, 24.

Ang tiyakang pag-uugnay ng sinaunang Elasar sa isang kilaláng lugar sa kasalukuyan ay isa pa ring suliranin para sa mga mananaliksik.