Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Eldad

Eldad

[posible, Ang Diyos ay Umibig].

Isa sa 70 matatandang lalaki na pinili ni Moises upang tulungan siyang dalhin ang pasan ng bayan. Dahil sa pagbubulung-bulungan ng haluang pulutong at pati ng mga Israelita hinggil sa manna at sa kawalan ng karneng makakain, ibinulalas ni Moises ang kaniyang damdamin na napakabigat ng pasan para buhatin niyang mag-isa. Sa gayon ay inutusan ni Jehova si Moises na magtipon ng 70 matatandang lalaki at dalhin sila sa tolda ng kapisanan. Gayunman, dalawa sa matatandang lalaking iyon, sina Eldad at Medad, ang hindi pumaroon sa tolda ng kapisanan kundi naiwan sa kampo, walang alinlangang sa makatuwirang dahilan. Pagkatapos ay kumuha si Jehova ng ilang bahagi ng espiritu na sumasa kay Moises at inilagay iyon sa matatandang lalaki, na nagsimula namang manghula. Tumanggap din ng espiritu sina Eldad at Medad, at nagsimula silang gumanap bilang mga propeta sa kampo. Iniulat ito kay Moises, at nang hilingin ni Josue kay Moises na pigilan sila, palibhasa’y naninibugho siya para kay Moises, ito ay tumugon: “Huwag, nais ko nga na ang buong bayan ni Jehova ay maging mga propeta, sapagkat kung gayon ay ilalagay ni Jehova sa kanila ang kaniyang espiritu!”​—Bil 11:13-29.