Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Eli, II

Eli, II

Noong malapit nang mamatay si Jesus sa pahirapang tulos, nang mga ikasiyam na oras na, o mga 3:00 n.h., siya ay sumigaw: “Eli, Eli, lama sabaktani?” (“Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”) (Mat 27:46; Mar 15:34) Inakala ng mga naroroon na tinatawag niya si Elias. Marahil ay hindi nila naintindihan ang sinabi ni Jesus dahil sa malabo niyang pagsasalita bunga ng kaniyang matinding paghihirap o dahil iba ang kaniyang diyalekto. (Mat 27:47; Mar 15:35) Sa pagtawag niya sa kaniyang makalangit na Ama, na kinikilala Siya bilang kaniyang Diyos, tinupad ni Jesus ang Awit 22:1.