Eliasib
[Ang Aking Diyos ay Nagpapanumbalik (Nagpapanauli)].
1. Isang Levita na mula sa mga anak ni Aaron. Sa kaniyang sambahayan sa panig ng ama nahulog ang palabunot para sa ika-11 pangkat ng mga saserdote noong panahon ni David.—1Cr 24:1, 5, 6, 12.
2. Ama ng isa na nagngangalang Jehohanan.—Ezr 10:6.
3. Isang Levitang mang-aawit sa templo na kabilang sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga noong panahon ni Ezra.—Ezr 10:16, 17, 23, 24, 44.
4. Inapo ni Zatu na kabilang din sa mga lalaking nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga.—Ezr 10:16, 17, 27, 44.
5. Inapo ni Bani na kabilang din sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga.—6. Apo ni Jesua, na bumalik kasama ni Zerubabel mula sa pagkatapon sa Babilonya. Si Eliasib ang mataas na saserdote noong mga araw ni Nehemias at kasama siya ng iba pang mga saserdote sa muling pagtatayo ng Pintuang-daan ng mga Tupa ng pader ng Jerusalem. (Ne 12:1, 10; 3:1) Samantalang wala si Nehemias, dinungisan ni Eliasib ang templo sa pamamagitan ng paggawa ng isang bulwagang kainan sa looban ng templo para sa kaniyang kamag-anak na si Tobia na Ammonita. Ngunit pagbalik ni Nehemias, inihagis niya sa labas ang mga muwebles ni Tobia at ipinag-utos na linisin ang mga bulwagang kainan. Itinaboy rin ni Nehemias ang isa sa mga anak ni Joiada na anak ni Eliasib dahil napangasawa nito ang isang anak ni Sanbalat na Horonita.—Ne 13:4, 5, 7-9, 28.
7. Anak ni Elioenai, isang inapo ni Haring David.—1Cr 3:1, 5, 10, 24.