Eliel
[Ang Aking Diyos ay Diyos].
1. Isa sa mga ulo ng kalahati ng tribo ni Manases. Tulad ng iba pang mga ulo, si Eliel ay isang magiting at makapangyarihang lalaki, isang lalaking bantog.—1Cr 5:24.
2. Isang Levita na mula sa pamilya ng mga Kohatita at ninuno ng propetang si Samuel. (1Cr 6:33, 34) Maliwanag na tinatawag siyang Elihu sa 1 Samuel 1:1 at Eliab sa 1 Cronica 6:27.
3. Isang inapo ni Simei na mula sa tribo ni Benjamin.—1Cr 8:1, 20, 21.
4. Isang inapo ni Sasak na mula sa tribo ni Benjamin.—1Cr 8:1, 22, 25.
5. Isang Mahavita, isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David.—1Cr 11:26, 46.
6. Isa pa sa makapangyarihang mga lalaki ni David.—1Cr 11:26, 47.
7. Isang Gadita, isa sa mabibilis, matatapang, at makapangyarihang mga lalaki na humiwalay at pumanig kay David habang hindi pa ito makakilos dahil kay Haring Saul. Ang pinakamaliit sa mga Gaditang ito ay inilalarawan bilang katumbas ng isang daan, at ang pinakadakila ay katumbas ng isang libo.—1Cr 12:1, 8, 11, 14.
8. Anak ni Hebron; isa sa mga ulo ng mga Levita na pinili ni David upang magdala ng Kaban sa Jerusalem.—1Cr 15:9, 11, 12.
9. Isang Levitang komisyonado na nasa panig ni Conanias na nangangasiwa sa ‘abuloy at sa ikasampu at sa mga banal na bagay’ noong mga araw ni Haring Hezekias.—2Cr 31:11-13.