Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Elim

Elim

[Malalaking Punungkahoy].

Ang ikalawang lokasyon ng kampamento ng mga Israelita pagkatawid nila sa Dagat na Pula. (Exo 15:27; 16:1; Bil 33:9, 10) Bagaman hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon nito, ipinapalagay na ito ay ang Wadi Gharandel sa Peninsula ng Sinai, mga 88 km (55 mi) sa TTS ng Suez. Tulad ng Elim sa Bibliya, na may ‘labindalawang bukal ng tubig at pitumpung puno ng palma,’ ang makabagong lugar na ito ay kilalang-kilala bilang dakong tubigan na may pananim at mga palma.