Elimas
[Manggagaway].
Ang propesyonal na pangalan o titulo ng “isang lalaki, isang manggagaway, isang bulaang propeta,” na nagngangalang Bar-Jesus, isang Judio na naninirahan sa pulo ng Ciprus noong unang siglo C.E. (Gaw 13:6-8) Nang sabihin ni Lucas na “manggagaway . . . ang pagkasalin sa kaniyang pangalan,” ang tinutukoy ay ang ginamit nitong pangalan na Elimas, hindi ang Bar-Jesus. Pangkaraniwan lamang sa mga Judio nang panahong iyon ang magsagawa ng mga sining ng mahika at panggagaway, gayundin, kapag naninirahan sa lipunang Griego, ang gumamit ng isang pangalang Griego.—Gaw 8:9-11; 19:17-19; tingnan ang BAR-JESUS.