Elkosita
[Ng (Mula sa) Elkos].
Isang taong naninirahan sa Elkos. Tanging sa propetang si Nahum ikinapit ang katawagang “Elkosita.” (Na 1:1) Ipinapalagay ng ilan na ang Elkos ay nasa Galilea. Gayunman, maaaring si Nahum ay nasa Juda noong isulat niya ang aklat na nagtataglay ng kaniyang pangalan. (Na 1:15) Kung gayon nga, mangangahulugan ito na ang pinakamalamang na lokasyon ng Elkos ay ang iminumungkahing lugar sa Juda na Beit Jibrin (Bet Guvrin), mga 6 na km (3.5 mi) sa HS ng Lakis. Gayunman, hindi pa rin ito tiyak.