Elnatan
[Ang Diyos ay Nagbigay].
1. Ang ama ng ina ni Haring Jehoiakin na si Nehusta. (2Ha 24:8) Malamang na siya ang Elnatan na tinukoy bilang ang “anak ni Acbor” na isinugo ni Haring Jehoiakim sa Ehipto upang ibalik ang propetang si Urias. (Jer 26:22, 23) Kapansin-pansin na binabanggit ng isa sa Lachish Letters na nagmula sa yugtong ito ang pangalang Elnatan, anupat sinasabi: “Ang kumandante ng hukbo, si Conias na anak ni Elnatan, ay bumaba upang pumaroon sa Ehipto.”—Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 322.
2, 3, 4. Tatlong lalaki na nagtataglay ng pangalang Elnatan ang binabanggit sa aklat ng Ezra. Ang dalawa ay tinutukoy bilang “mga pangulo” at ang isa Ezr 8:15-20.
naman bilang isang tagapagturo. Sa ilog ng Ahava, bago maglakbay patungong Jerusalem, binigyan sila ni Ezra ng utos na mamanhik kay Ido at sa mga Netineo sa Casipia na maglaan mula sa kanilang mga kasamahan ng mga lingkod para sa bahay ng Diyos, na tinugon naman ng mga Levita at mga Netineo.—