Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Elon

Elon

[malamang, Malaking Punungkahoy].

1. Isang Hiteo na ang anak na babae ay naging “sanhi ng kapaitan” para kay Isaac at kay Rebeka dahil sa pagiging asawa ng kanilang anak na si Esau.​—Gen 26:34, 35; 27:46; 28:8; 36:2.

2. Ang ikalawa sa tatlong anak ni Zebulon. Siya ay kabilang sa mga miyembro ng sambahayan ng kaniyang lolong si Jacob na pumaroon sa Ehipto. Siya rin ang ulo ng pamilya ng mga Elonita.​—Gen 46:14; Bil 26:26.

3. Isang Zebulonitang hukom ng Israel. Pagkatapos na maging hukom nang sampung taon, inilibing nila siya sa Aijalon sa teritoryo ng Zebulon.​—Huk 12:11, 12.

4. Isang bayan ng tribo ni Dan, nakatala sa pagitan ng Itla at Timnah. (Jos 19:42, 43) Hindi matukoy nang tiyakan ang kinaroroonan nito.