Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Elteke(h)

Elteke(h)

Isang lunsod ng Dan (Jos 19:44) na ibinigay sa mga Kohatitang Levita, kasama ang pastulan nito. (Jos 21:20, 23) Sa Taylor Prism, ipinaghahambog ng Asiryanong si Haring Senakerib (isang kapanahon ni Hezekias, 745-717 B.C.E.) na kaniyang “kinubkob, binihag, at sinamsaman ang Eltekeh [sa Asiryano, Altaqu]” matapos niyang talunin ang mga hukbong Ehipsiyo at Etiope “sa kapatagan ng Eltekeh.”

Ipinapalagay ng karamihan sa mga iskolar na ang Eltekeh ay nasa Khirbet el-Muqannaʽ (Tel Miqne), 36 na km (22 mi) sa K ng Jerusalem. Gayunman, mula nang magsagawa ng mga paghuhukay roon kamakailan, ang lugar na iyon ay iniugnay na sa Ekron ng Bibliya. Dahil dito, bagaman hindi posible sa ngayon na matiyak ang pagkakakilanlan ng Eltekeh, ipinapalagay ng ilan na ito ay nasa Tell esh-Shallaf (Tel Shalaf), 18 km (11 mi) sa HS ng Asdod.