En-rogel
[Bukal ng Rogel (Paa)].
Isang bukal o balon malapit sa Jerusalem. Ito’y nagsilbing palatandaan ng hangganan ng Juda at Benjamin. (Jos 15:7; 18:16) Sa En-rogel naghintay ang mga tiktik ni David na sina Jonatan at Ahimaas ukol sa impormasyon may kinalaman sa paghihimagsik ni Absalom. (2Sa 17:17) Nang maglaon, ang isa pang mapaghimagsik na anak ni David na si Adonias ay nagpiging malapit dito upang mangalap ng suporta sa pag-agaw niya sa trono.—1Ha 1:9.
Sumasang-ayon ang karamihan na ang En-rogel ay ang makabagong Bir Ayyub, o balon ni Job. Ito’y nasa T ng TS sulok ng pader ng Jerusalem, sa paanan ng kanluraning pampang ng Libis ng Kidron mga 100 m (330 piye) sa T ng pinagsasalubungan nito at ng Libis ng Hinom. Ang balon ay konektado sa isang bukal sa ilalim ng lupa, na kung minsan, pagkatapos umulan, ay bumubukal nang napakasagana anupat tumataas ang lebel ng tubig nito hanggang sa ibabaw.