Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

En-tapua

En-tapua

[Bukal ng (Puno ng) Mansanas].

Isang bukal na malapit sa lunsod ng Tapua. Ginamit ito upang ipakita ang hangganan ng mga mana ng tribo ni Manases at tribo ni Efraim. (Jos 17:7) Maaaring ginamit din ang pangalang ito para sa lunsod ng Tapua. (Jos 17:8) Ipinapalagay ng ilan na ang En-Tapua ay ang bukal na malapit sa lunsod ng Yasuf. Sa dakong T niyaon ay naroon ang Tell Sheikh Abu Zarad, ang iminumungkahing lokasyon ng Tapua.