Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Enaim

Enaim

[malamang, Dalawang Bukal].

Isang lugar na malapit sa dako kung saan nagbalatkayo si Tamar bilang patutot at sumiping kay Juda. Bilang resulta ay ipinanganak niya sina Perez at Zera. (Gen 38:14-16, 21, 29, 30) Lumilitaw na ang Enaim ay nasa pagitan ng Adulam at Timnah. (Gen 38:12) Bagaman ipinapalagay ng ilang heograpo na ito rin ang Enam sa Sepela (Jos 15:34), hindi alam sa ngayon kung saan ang eksaktong lokasyon nito.