Enon
Isang lugar na may “maraming tubig,” kung saan nagsagawa si Juan na Tagapagbautismo ng mga pagbabautismo pagkaraan ng Paskuwa ng 30 C.E. (Ju 3:23) Malapit ito sa waring mas kilalang lugar na tinatawag na Salim. Hindi matiyak ang eksaktong lokasyon ng mga lugar na ito. Gayunman, si Eusebius na obispo ng Cesarea, na nabuhay noong ikatlo at ikaapat na siglo C.E., ay may tinukoy na isang lokasyon sa Libis ng Jordan mga 8 milyang Romano (12 km; 7.5 mi) sa T ng Bet-sean. Nasa lugar na iyon ang Tell Ridgha (Tel Shalem) na siyang ipinapalagay na Salim. Malapit doon ang ilang bukal na maaaring tumugma sa paglalarawan ni Eusebius sa lugar na tinatawag na Enon.