Epa, I
Isang panukat ng tuyong bagay na katumbas ng sampung omer (Exo 16:36) o ikasampu ng isang homer. Ang epa ay katumbas din ng bat na panukat ng likido at sa gayon ay tinutuos na 22 L (20 tuyong qt). (Eze 45:11) Sa Kasulatan, ang “epa” ay ginagamit may kinalaman sa dami ng harina (Lev 5:11), sebada (Ru 2:17), binusang butil (1Sa 17:17), at trigo (Eze 45:13). Tumutukoy rin ang terminong ito sa lalagyang ginagamit sa pagsukat ng epa. (Lev 19:36; Am 8:5) Sa Zacarias 5:6-11, binabanggit ang isang takal na epa na natatakpan ng pabilog na takip na tingga, anupat nakakulong sa loob nito ang babaing “Kabalakyutan.”