Epai
[Lumilipad na Nilalang].
Isang Netopatita (Jer 40:8) na mula sa tribo ni Juda (1Cr 2:50-54) na ang mga anak ay kabilang sa mga pinuno ng mga hukbong militar na hindi dinala sa pagkatapon sa Babilonya noong 607 B.C.E. Ang mga anak ni Epai at ang iba pang mga pinuno ng mga hukbong militar at ang mga tauhan ng mga ito ay pumaroon kay Gedalias sa Mizpa at sumumpa naman sa kanila si Gedalias na mapapabuti sila. (Jer 40:7-9) Lumilitaw na pinaslang ni Ismael ang mga anak ni Epai nang patayin niya si Gedalias.—Jer 41:3.