Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Epeneto

Epeneto

[Pinuri; Pinapurihan].

Isang Kristiyano sa kongregasyon sa Roma na binanggit ni Pablo sa pangalan at pinadalhan niya ng personal na mga pagbati. (Ro 16:5) Si Epeneto ay tinatawag na “isang unang bunga ng Asia.” Posibleng personal siyang natagpuan ni Pablo, yamang ang sambahayan ni Estefanas ay tinutukoy rin bilang “mga unang bunga sa Acaya,” at si Pablo ang nagbautismo sa sambahayang ito.​—1Co 1:16; 16:15.