Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Erec

Erec

Isa sa apat na lunsod na ‘pasimula ng kaharian ni Nimrod’ sa lupain ng Sinar. (Gen 10:10) Sa ngayon, ang Erec ay kinakatawanan ng mga bunton sa lugar na tinatawag ng mga Arabe bilang Warka at kilalá ng sinaunang mga Akkadiano ng Mesopotamia bilang Uruk. Ito ay mga 177 km (110 mi) sa TS ng Babilonya sa K pampang ng matandang lunas ng Eufrates (ang Shatt-ek-Kar), o mga 6 na km (3.5 mi) sa S ng landas ng ilog na iyon sa kasalukuyan. Isang sinaunang ziggurat ang nahukay roon, kasama ang maraming bunton at mga kabaong na waring indikasyon na ang Erec ay dating libingang dako ng mga haring Asiryano.

Ang mga naninirahan sa Erec (“mga Arkevita,” KJ) ay kabilang sa mga dinala ng Asiryanong si Emperador Asenapar sa Samaria.​—Ezr 4:9, 10.