Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Esceva

Esceva

Isang “punong saserdoteng” Judio. Ang kaniyang pitong anak na lalaki ay kabilang sa ‘ilan sa mga gumagala-galang Judio na nagpapalayas ng mga demonyo.’ Sa isang pagkakataon, sa lunsod ng Efeso, tinangka nilang palabasin ang isang demonyo sa pagsasabing, “May-kataimtiman ko kayong inuutusan sa pamamagitan ni Jesus na ipinangangaral ni Pablo.” Tumugon ang balakyot na espiritu sa pagsasabing: “Kilala ko si Jesus at nakikilala ko si Pablo; ngunit sino kayo?” Pagkatapos, ang lalaking sinasapian ng espiritu ay lumundag sa pitong anak ni Esceva at itinaboy sila sa labas ng bahay na hubad at sugatán. Dahil dito ay dinakila ang pangalan ng Panginoon at nagpangyari sa marami na makinig sa mabuting balita na ipinangangaral ni Pablo.​—Gaw 19:13-20.

Walang saserdoteng Judio na nagngangalang Esceva ang binanggit sa iba pang bahagi ng Kasulatan, malibang ang Esceva ay isang pangalang Latin para sa isang saserdote na kilala sa isang pangalang Hebreo.